CABANATUAN CITY Tinambangan at napatay ang isang 75-anyos na trader ng mga armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Soriano Street sa Barangay Aduas, Cabanatuan City noong Huwebes ng umaga. Napuruhan sa mukha ng bala ng baril ang biktimang si Romulo Valisno ng Barangay Bitas sa lungsod na nabanggit. Base sa ulat na isinumite kay P/Supt. Eliseo Cruz, hepe ng pulisya sa Cabanatuan City, papauwi na ang biktima sakay ng Toyota Vios na minamaneho ng kanyang drayber na si Wilson Ocado nang mapatigil dahil sa trapik. Dito sinamantala ng mga suspek na dikitan ang sasakyan ng biktima at isagawa ang krimen. Sinisilip ng pulisya kung may kinalaman ang krimen sa negosyo ng biktima.
(Christian Ryan Sta. Ana) Mag-aama tiklo sa droga at armas |
CAVITE Kalaboso ang binagsakan ng mag-aama makaraang makumpiskahan ng mga armas, bala at droga sa isinagawang operasyon sa Barangay Talaba 2, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Arturo "Jogan" Ocampo Sr, Arturo "Jumpo" Ocampo Jr., at Dennis "Batman" Ocampo na pawang naninirahan sa #814 ng nabanggit na barangay. Ayon kay P/Chief Insp. Alex Borja, police chief ng nasabing bayan, inaresto ang mag-aama sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cesar Mangrobang ng Imus Regional Trial Court-Branch 22. Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng ibat ibang uri ng baril, bala, 5 gramo ng shabu at sasakyang Pajero (REF-729) at P.110 milyon.
(Cristina Timbang) 2 katao patay sa karahasan |
LEGAZPI CITY Dalawang sibilyan ang iniulat na napaslang sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa Albay at Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Pablo delos Santos, 52, ng Purok 4 Barangay Binitayan, Daraga, Albay at si Edwin Espinosa, 31, ng Barangay Buenasuerte, Ragay, Camarines Sur. Ayon sa pulisya, si Delos Santos ay sinaksak at napatay ng suspek na si Isagani Siago, 34, matapos na sitahin ng biktima ang suspek na natulog sa evacuation center. Samantalang si Espinosa na nagpapahinga sa sariling bahay ay napagtripang pinagtataga hanggang sa mapaslang ng kanyang pamangking si Michael Espinosa.
(Ed Casulla)