^

Probinsiya

Paslit pinatay sa gulpi

-
NUEVA ECIJA – Pinaniniwalaang napatay sa gulpi ang isang paslit na babae ng ka-live-in partner ng kanyang ina sa Purok Nagsabaran, Barangay Bical, Muñoz City, ayon sa ulat ng pulisya. Ang biktimang nasawi habang ginagamot sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Hospital sa Cabanatuan City ay nakilalang si Mary Diane Barawed y Bersero, 2, anak ni Lilibeth Bersero, 36. Sa inisyal na pagsisiyasat, inamin ng suspek na si Gomer de Leon y Corpuz, 26, na pinagpapalo niya ang biktima kaya lumitaw sa pagsusuri ng mga doctor na nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa utak. Ayon kay Ligaya S. Jamie ng DSWD sa Muñoz City, hindi na sumulpot ang ina ng biktima sa ospital matapos na magpaalam na uuwi. (Christian Ryan Sta Ana)
Sanggol dedo sa gang war
CAVITE — Maagang sumalubong kay kamatayan ang isang sanggol na babae matapos na tamaan ng ligaw na bala habang karga ng kanyang ama sa naganap na rambulan ng magkalabang gang sa Barangay Acacia, Silang Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Quenni Maxim Barredo ng Blk 17 Lot 13 ng nabanggit na barangay. Nasakote naman ang isa sa mga suspek na si Vergel Enali, 21, ng Barangay Old Bulihan habang nakatakas naman ang isa pa na si Lito Domingo na kapwa kasapi ng Temple Street Trece Gang na pinaniniwalaang mga adik sa droga. Ayon kay PO1 Am Torres, nagkasagupaan ang dalawang fraternity gang hanggang sa tamaan ng bala ang biktimang karga ng ama nito. (Cristina Timbang)
P2.3M nalimas sa banko
ORANI, Bataan — Aabot sa P2.3 milyon ang nalimas sa Bataan Development Bank makaraang holdapin ng limang armadong kalalakihan ang sasakyan ng nasabing banko sa Barangay Centro-l, Orani, Bataan noong Martes ng hapon, (Enero 2). Ang dalawang kawani ng nasabing bangko na kasalukuyan pang iniimbistigahan ng pulisya dahil sa pagkakaantalang iniulat ang insidente nitong January 4 lamang ay nakilalang sina Rolando dela Pena, 26, credit investigator and appraiser; at Mila Ongkingko, 46, cashier, na kapwa sakay ng Toyota Innova wagon nang harangin at holdapin sa nasabing lugar. Ayon kay P/Insp. Antonio Apan, hepe ng Orani police, magde-deliver sana ng malaking halaga sina Dela Pena at Ongkiko sa kanilang sangay sa Dinalupihan nang harangin ng mga holdaper. (Jonie Capalaran)
Binata tinodas ng mga adik
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Napagtripang patayin ang isang 24-anyos na binata ng anim na kalalakihang lango sa bawal na gamot habang ang biktima ay lulan ng pampasaherong dyipni kasama ang kanyang nobya sa Barangay Potoson, Baleno, Masbate kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gary Caballero ng Barangay Poblacion, samantalang nasakote naman ang mga suspek na sina Emerson Esquillona, Reynan Esquillona, Albert Manlapaz, Gilbert Bigornia, Rolly Rodriguez, at Mark Anthony Capinig, pawang naninirahan sa Barangay Tinago, Aroroy, Masbate. Ayon sa ulat, ang biktima kasama ang kasintahan ay patungo sana sa Barangay Docol nang makasakay ang mga suspek. (Ed Casulla)

ALBERT MANLAPAZ

AM TORRES

ANTONIO APAN

AYON

BARANGAY

BARANGAY ACACIA

BARANGAY BICAL

BARANGAY CENTRO

BARANGAY DOCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with