2 magsasaka dedo sa karahasan
January 4, 2007 | 12:00am
CAVITE Dalawang magsasaka ang iniulat na pinaslang sa naganap na magkahiwalay na madugong karahasan sa bayan ng Silang at Amadeo, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Benito Manalo, 48, ng Barangay Maitim 2, Central Tagaytay City at si Eliseo "Siyong" Par, 55, ng Barangay Santol. Sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Manalo na sakay ng motorsiklo ay binaril at napatay ng kanyang nakaalitang si Leoncio Hernandez na lulan naman ng owner-type jeep sa kahabaan ng Sitio Loob sa bayan ng Amadeo, Cavite. Ang biktimang si Par ay pinagpapalo ng bote sa ulo at sinaksak ng kanyang kainumang helper na si alyas "Jojo" sa bahagi ng Silang, Cavite. (Cristina Timbang)
CAMP VICENTE LIM, Laguna Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 10-anyos na nene na natagpuang patay matapos gahasain ng mga durugista pagkaraang mawala ng ilang araw sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa Calamba City, Laguna, ayon sa ulat kahapon. Ang biktimang si Danica Caneo ng Purok 3, Barangay Parian ay nadiskubre ng mga barangay tanod sa madamong bahagi ng isang bakanteng lote sa nabanggit na barangay. Nabatid na ang biktimang pinagtulungan saksakin at halayin ay nawala noong Linggo ng gabi, Disyembre 31 at madiskubre ang bangkay kahapon ng umaga. Sa pahayag ng mga residente sa lugar, nakarinig sila ng malakas na pag-iyak ng bata sa masukal, subalit hindi nila ito pinansin dahil sa malalakas na putukan. (Arnell Ozaeta)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest