Trak vs dyipni: 9 tinedyer patay
January 4, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME Trahedya sa Bagong Taon ang sumalubong sa siyam na tinedyer ang iniulat na nasawi habang labing-anim naman ang malubhang nasugatan makaraang magsalpukan ang magkasalubong na pampasaherong jeepney at trailer truck sa kahabaan ng national highway sa Barangay Central East, Bauang, La Union kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay P/Supt. Pedro Obaldo Jr., chief of police ng Bauang, dakong alas -4 ng madaling-araw kahapon nang naganap ang trahedya matapos mag-night swimming sa beach resort ang mga biktima ng papauwi na sa bayan ng Benguet.
Kabilang sa mga biktimang namatay on-the-spot ay nakilalang sina Jay Boy Dudun,14; Reggie Antonio,16; Jessica Marino,18; Roby Jean Javier, Arlene Sapitula,18; at si Ricky Tomas, samantalang idineklarang patay sa ospital ay ang drayber ng pampasaherong jeepney (AYH-473) na si Alex Domingo William Jr., 18; at Lea Bastian, pawang naninirahan sa Ubolan, Beckel, La Trinidad, Benguet at isang di pa natutukoy ang pangalan.
Nakilala naman ang mga biktimang nasa kritikal na kalagayan na sina Jingle Bumakas, 18; Clever Maronis, Franky Mateo, Ronalisa Javier, 18; Lorena Sebastian, 15; Arnel Marino, Malou Maidap, Hazel Antonio, 18; Ramon Marino, 17; Jayson Valenciano, 21; Manilyn Sapitula, Genevive Bumakas, Rodel Dudun, 19; Frensel Maidap, 16; Pedling Ungaton, 22; Cristie Valenciano, na ginagamot sa Ilocos Training and Medical Center sa La Union.
Sa inisyal na imbestigasyon, nakasalpukan ng jeepney sa kurbadang kalsada ang Isuzu tractor truck (XBF-837) at trailer plate (PUU 280) ni Andres Placido, 27, ng Sta Cruz, Manila.
Ayon sa pulisya, ang nasabing truck ay nakarehistro kay Rolando de la Cruz ng #197 China Street, Binagbag, Angat, Bulacan.
Karamihan sa mga biktima ay lango sa alak kabilang na ang drayber ng jeepney base na rin sa kanilang mga amoy at nakitang mga basyo ng bote ng alak sa sasakyan, ayon sa tagapagsiyasat ng pulisya.
Base sa pahayag ng mga testigo, masyadong mabilis ang pampasaherong jeepney na nag-criss crossing bago tuluyang sumalpok sa nasabing truck. Boluntaryo namang sumuko sa pulisya ang drayber ng truck para panagutin sa insidente.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest