Nagtamo ng maraming sugat sa katawan at nasawi ang mga biktimang sina Larry Garsin, 34, traysikel drayber at residente ng Barangay Samput; at Norbin Graycochea, 27, ng Santiago, La Union, samantalang sugatan naman ang isa pang pasahero na si Alex Dequina, 34, ng San Juan La Union.
Ayon kay P/Senior Supt. Nicanor Bartolome, Tarlac provincial police director, tinatahak ng delivery truk (UTP-694) na minamaneho ni Amor Dizon, ang kahabaan ng nabanggit na highway nang mahagip ang traysikel ng mga biktima matapos na mag-overtake sa sinusundang sasakyan.
Sugatan din ang drayber ng truck na residente ng Sto. Tomas, Pampanga at boluntaryong sumuko sa pulisya para harapin ang kaukulang kaso. (Ric Sapnu)