Truck vs trike: 2 patay
January 3, 2007 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Maagang kinalawit ni kamatayan ang dalawang sibilyan makaraang mahagip ng kasalubong na truck ang sinasakyang traysikel ng mga biktima sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Samput, Panique, Tarlac, kamakalawa.
Nagtamo ng maraming sugat sa katawan at nasawi ang mga biktimang sina Larry Garsin, 34, traysikel drayber at residente ng Barangay Samput; at Norbin Graycochea, 27, ng Santiago, La Union, samantalang sugatan naman ang isa pang pasahero na si Alex Dequina, 34, ng San Juan La Union.
Ayon kay P/Senior Supt. Nicanor Bartolome, Tarlac provincial police director, tinatahak ng delivery truk (UTP-694) na minamaneho ni Amor Dizon, ang kahabaan ng nabanggit na highway nang mahagip ang traysikel ng mga biktima matapos na mag-overtake sa sinusundang sasakyan.
Sugatan din ang drayber ng truck na residente ng Sto. Tomas, Pampanga at boluntaryong sumuko sa pulisya para harapin ang kaukulang kaso. (Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest