Batay sa report ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, kinilala ang biktima na si Francisco Cabe. Si Cabe ay dating miyembro ng NPA na nagbalik-loob sa pamahalaan kamakailan matapos tuluyang talikdan ang kilusang komunista na aktibong nasasangkot sa paghahasik ng karahasan sa lalawigan.
Ayon kay Army Spokesman Major Ernesto Torres Jr., bandang alas-6 ng gabi nang pasukin at paslangin ng mga armadong lalaki ang biktimang nagpapahinga sa sariling tahanan. (Joy Cantos)