Ang mga biktimang isinugod sa Eastern Visayas Medical Center ay nakilalang sina Edgar Sahol, 18; at Rodolfo Pacia na kapwa nagtamo ng maraming sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa naantalang ulat ng police regional office na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Eliseo de la Paz, naganap ang insidente dakong alas 7:20 ng gabi sa pagitan ng Purok 6, Barangay 74 at Barangay Lower Nulatula ng nasabing lungsod ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa inisyal na imbestigasyon, masayang naglilitson ng baboy ang mga biktima para sa pagsalubong sa Bagong Taon ng maganap ang insidente.
Lingid sa kaalaman ng magkaibigan ay may nakatanim na vintage bomb sa pinagsigaan kaya nag-init hanggang sa sumabog na malubhang ikinasugat ng mga ito.
Sa lakas ng pagsabog ay nagkagutay-gutay ang nililitsong baboy ng mga biktima habang nagtamo naman ang mga ito ng matitinding sugat sa katawan na mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan.
Pinaniniwalaan namang ang sumabog na vintage bomb ay bahagi ng naiwan ng mga sundalong Hapones noong World War II. (Joy Cantos)