^

Probinsiya

Vintage bomb sumabog: 2 katao kritikal sa litsunan

-
CAMP CRAME Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang dalawang kalalakihang naglilitson ng baboy makaraang sumambulat ang vintage bomb  na nakatanim sa lugar na pinagsigaan ng mga ito habang nagluluto sa Tacloban City, Leyte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

 Ang mga biktimang isinugod sa Eastern Visayas Medical Center ay nakilalang sina Edgar Sahol, 18; at Rodolfo Pacia na kapwa nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa naantalang ulat ng police regional office na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Eliseo de la Paz, naganap ang insidente dakong alas —7:20 ng gabi sa pagitan ng Purok 6, Barangay 74 at Barangay Lower Nulatula ng nasabing lungsod ilang oras bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa inisyal na imbestigasyon, masayang naglilitson ng baboy ang mga biktima para sa pagsalubong sa Bagong Taon ng maganap ang insidente.

Lingid sa kaalaman ng magkaibigan ay may nakatanim na vintage bomb sa pinagsigaan kaya nag-init hanggang sa sumabog na malubhang ikinasugat ng mga ito.

Sa lakas ng pagsabog ay nagkagutay-gutay ang nililitsong baboy ng mga biktima habang nagtamo naman ang mga ito ng matitinding sugat sa katawan na mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan.

Pinaniniwalaan namang ang sumabog na vintage bomb ay bahagi ng naiwan ng mga sundalong Hapones noong World War II. (Joy Cantos)

BAGONG TAON

BARANGAY LOWER NULATULA

CHIEF SUPT

EASTERN VISAYAS MEDICAL CENTER

EDGAR SAHOL

JOY CANTOS

RODOLFO PACIA

TACLOBAN CITY

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with