1 dedo, 3 grabe sa sunog
January 1, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME Isa katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos tupukin ng apoy mula sa sumiklab na paputok ang ilang kabahayan sa Bacayao Norte, Dagupan City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) 1 Director Chief Supt. Leopoldo Bataoil ang nasawi na si Melanio Orit, 29-anyos.
Ang malubhang nasugatan ay nakilala namang ang mag-iinang sina Marivic Ricalde, 46-anyos at dalawa nitong anak na sina Joshua, 4 anyos at Jasmin, 5 buwang sanggol.
Sinabi ni Bataoil na ang sunog ay naganap sa mga kabahayang nasasakupan ng Bacayao Norte ng nasabing lungsod pasado alas-11 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon ng Dagupan City Police, ang sunog ay nagmula sa isang sumabog na kwitis na imbes na pataas ay patagilid ang putok na lumikha ng apoy na mabilis na kumalat sa mga kabahayan sa lugar.
Nabigong mailigtas si Orit matapos itong makulong ng apoy mula sa nasusunog niyang tahanan. Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mag-iina para malapatan ng lunas sa tinamo ng mga itong matitinding paso sa kanilang mga katawan.
Bandang alas-8 naman ng gabi ng masunog ang ikaapat na bahagi ng palengke ng lungsod sa panulukan ng Paco at Roman Sts. bagaman walang nasugatan sa insidente. Ang sunog ay naapula bandang alas-11 na ng gabi. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest