Saksi sa pamamaril hiling isailalim sa WPP
December 30, 2006 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Hiniling ngayon ng pamunuan ng Nueva Ecija Press Club Inc. sa Department of Justice (DOJ) na maibaba na ang warrant of arrest laban sa suspek na responsable sa pamamaril sa dzMM radio reporter matapos na kasuhan ng pulisya.
Positibo naman kinilala ng nakasaksing si Rey Bumatay, 42, negosyante ang suspek na bumaril kay Rufino "Butch" Gamboa, ABS-CBN reporter dahil hindi nito naitakip ang bonnet sa mukha.
Hiniling din ng nasabing press club sa DOJ na ilagay si Bumatay sa Witness Protection Program para sa kanyang kaligtasan.
Samantala, naniniwala ang pulisya na ang mga sangkot sa pamamaril ay kasapi ng sindikato ng gun-for-hire sa nabanggit na lungsod at karatig pook.
Kinilala na rin ng pulisya ang mastermind at ilang suspek na bumaril sa biktima.
Naniniwala din ang pulisya na ang naturang grupo ay responsable din sa serye ng nakawan at holdapan na karamihang biktima ay mga negosyante sa kalapit lalawigan.
Magugunita na inambus si Gamboa habang pauwi mula sa pagko- cover sa okasyon na dinaluhan ni Nueva Ecija Vice Governor Boyet Joson sa Constancio Padilla National High School, San Jose City. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended