^

Probinsiya

Mga tindahan ng paputok sa Bulacan pinababantayan

-
BOCAUE, Bulacan–Dahil sa paulit-ulit na trahedyang nagaganap na karamihan ay may kaugnayan sa paputok noong nakalipas na taon, masusing pinababantayan ngayon ang mga tindahan sa bayan ng Bocaue upang maiwasan ang madugong pagsalubong sa Bagong Taon sa Bulacan.

Sa pahayag ni Bocaue Mayor Serafin Dela Cruz, dapat malaman ng mga may-ari ng tindahan ng paputok ang mga hakbang upang maiwasan ang mga nakapanlulumong pangyayari dahil ang mga itinitindang paputok ay gawa sa materyales na madaling masunog.

Ipinaalala ng alkalde sa mga tindahan na dapat ay hindi tataas sa 25 kilo ang mga paputok na naka-display sa bawat tindahan.

"Dapat less than 25-kilos lang ang naka-display para maiwasan ang deadly explosions," dagdag pa ni Mayor Dela Cruz na batay na rin sa mga paalala ng  Philippine Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association, Inc., (PPMDAI).

Ipinagbabawal din ang manigarilyo at mag testing ng paputok sa mga tindahang may naka-display na paputok particular sa kahabaan ng F. Halili Avenue na siyang nag-uugnay sa mga bayan ng Bocaue at Sta. Maria, Bulacan.

Pinaalalahanan naman ng pamunuan ng PPMDAI ang mga mamimili ng paputok na piliin ang mga gawa ng mga lisensyadong manggagawa ng paputok.

Ayon naman kina Neptali Guballa at Celso Cruz, mga dating pangulo ng PPMDAI, sa kabila ng pagpasok ng mga illegal at imported na paputok, ang mga kwitis at "sawa" ang pinakamabiling paputok na gawa sa bansa. (Dino Balabo & Boy Cruz)

BAGONG TAON

BOCAUE

BOCAUE MAYOR SERAFIN DELA CRUZ

BOY CRUZ

BULACAN

CELSO CRUZ

DINO BALABO

HALILI AVENUE

PAPUTOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with