^

Probinsiya

Mag-ama pinagtataga, grabe

-
BATAAN – Pinaniniwalaang napagtripang pagtatagain at malubhang nasugatan ang mag-ama ng sariling kasambahay na may topak sa pag-iisip habang ang mga biktima ay nagpapahinga sa kanilang bahay sa Batungbakal Street, Barangay Tenejero, Balanga City, Bataan kamakalawa. Kasalukuyang ginagamot sa Jose Lingad Hospital sa San Fernando City, Pampanga ang mga biktimang sina Benjamin Lacayanga, 80 at Nelson Lacayanga, 40; habang ang suspek na anak ni Benjamin ay nakilalang si David Lacayanga, 33, na tinaga rin ang sarili at ngayon ay inoobserbahan sa nabanggit na ospital. Posibleng hindi makasuhan ang suspek dahil sa may kapansanan sa pag-iisip at nakatakdang dalhin sa National Institute for Mental Patient, ayon kay SPO4 Sonny David. (Jonie Capalaran)
Pahinante minartilyo ng kabaro
CAVITE – Pinagtulungan paluin ng martilyo hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na pahinante ng dalawa nitong kabaro makaraang magkapikunan sa masamang biruan sa loob ng bodega sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Ruben Grantos, stay-in worker sa Salud Mallari Hardware sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa nabanggit na barangay. Nasakote naman ang mga suspek na sina Jomar Bernabe, 19 at si Rosbel Rondina, 28, kapwa kasamahan sa trabaho ng biktima. Ayon kay PO3 Valero Bueno, nagkapikunan ang tatlo sa masamang biruan hanggang sa magkarambulan. Dito pa sinamantala ng dalawang suspek na pagtulungang gulpihin at martilyuhin ang biktima. (Cristina Timbang)
Batang baliw kinatay, isinako
CAMP CRAME – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 11- anyos na batang babaeng may kapansanan sa pag-iisip makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang lalaki ay isinako saka itinapon sa sapa na sakop ng Davao City, ayon sa ulat kahapon. Ang bangkay ng biktimang natagpuan sa masukal na bahagi ng sapa ay nakilalang si Evilla Parmes, grade II pupil sa Lubo Elementary School. Tugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Roger Setoy, 19; at isang tinukoy sa alyas na Roy-Roy, na huling namataang kasama ng biktima bago mawala noong Biyernes, Disyembre 22. Nakita sa ilalim ng ref ng tahanan na pag-aari ni Roy-Roy ang tsinelas at duguang t-shirt ng biktima. Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay pinaslang sa loob ng tindahan bago itinapon sa creek ang bangkay may 50 metro ang layo sa tindahan ng naturang suspek. Wala namang senyales na ang biktima ay ginahasa muna bago pinatay. (Joy Cantos)

AGUINALDO HIGHWAY

BALANGA CITY

BARANGAY SALITRAN

BARANGAY TENEJERO

BATUNGBAKAL STREET

BENJAMIN LACAYANGA

BIKTIMA

CRISTINA TIMBANG

DAVAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with