Army officer tinumba
December 27, 2006 | 12:00am
ILIGAN, Isabela Bayolenteng kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na Army intelligence officer makaraang pagbabarilin ng apat na kalalakihang sakay ng motorsiklo sa Raniag Village sa bayan ng Ramon Isabela noong Lunes.
Walong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni T/Sgt. Ricardo Mejia, na inupakan habang naglalakad na kasama ang kanyang anak na 17-anyos.
Ayon kay P/Chief Insp. Antonio Marallag, nag-grocery ang mag-ama nang may tumigil sa kanilang harapan na dalawang motorsiklo saka pinagbabaril ang biktima.
Nagsisigaw naman ang anak na tinedyer ng biktima matapos na masaksihan ang brutal na pagpatay sa kanyang ama. Sinisilip ng pulisya kung mga rebeldeng New Peoples Army ang nasa likod ng pamamaslang dahil sa nalalapit na anibersaryo ng grupong komunista. (Charlie Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest