Christmas melee: 3 katao patay
December 27, 2006 | 12:00am
ILIGAN CITY Madugong Christmas ang sumalubong sa tatlong tinedyer na napatay makaraang magrambulan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa Purok 7, Barangay Hinaplanon sa Iligan City kamakalawa.
Kabilang sa mga biktimang kinarit ni kamatayan ay nakilalang sina Manasis Tilawan, 54; Amer Ampaso at si Peping Ampaso na pawang nagtamo ng mga bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan, samantalang sugatan naman ang isa pang biktima na si Noel Villarta.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumilitaw na nagtungo sa bahay ni Tilawan ang grupo ng kalalakihang Muslim para mamagitan sa nagaganap na rambulan, subalit umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at namataang duguang bumulagta ang mga biktima.
Hindi naman makapagbigay ng detalye ang pulisya tungkol sa pinagmulan ng insidente. Sa kasalukuyan ay dinispatsa naman ni P/Senior Supt. Virgilio Ranes, Iligan provincial director, ang ilang pangkat ng pulisya para mapigilan ang nakaambang madugong sagupaan ng magkalabang angkan.
Nangangamba naman ang mga residente na anumang oras ay sisiklab ang madugong bakbakan dahil hindi nagdemandahan ang magkabilang panig na indikasyong may magaganap na gantihan ng magkalabang angkan ng Maranao. (Lino Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended