Police escorts ng mga pulitiko inalis sa Abra
December 26, 2006 | 12:00am
Upang hindi na muling maulit pa ang mga bayolenteng insidenteng may kinalaman sa pulitika, tinanggalan na ng PNP ng mga police security escorts ang mga pulitiko sa Abra kasabay ng pagpapatupad ng no plate no travel policy sa lalawigan.
Ayon kay Cordillera Autonomous Region (CAR) Police Regional Director Chief Superintendent Raul Gonzales ang nasabing hakbang ay bilang pagtalima sa rekomendasyon ng Task Force Abra.
Nilinaw naman ni Gonzales na bibigyan lamang nila ng police escorts ang mga pulitiko kung pormal ang mga itong magpapadala ng request sa PNP subalit ang pagkakaloob ng security escort sa mga ito ay limitado lamang. Samantalang ang mga pulis sa Abra na matutukoy na kamag-anak ng mga binabantayan nilang pulitiko ay ililipat ng destino sa ibang lalawigan.
Nabatid na ang rekomendasyon ay base sa report ni Sr. Supt. Eugene Martin, hepe ng Task Force Abra na binuo matapos ang madugong ambush-slay kay Abra Rep. Luis Bersamin Jr., nitong nakalipas na Disyembre 16.
Magugunita na si Bersamin ay pinagbabaril sa harapan ng Mt. Carmel Church sa New Manila, Quezon City matapos dumalo sa kasal ng pamangkin nitong babae na si Pia na anak naman ni Court of Appeals (CA) Justice Lucas Bersamin. Sa nasabing insidente ay napaslang rin ang bodyguard nitong si SPO1 Adelfo Ortega habang sugatan naman ang driver nitong si Allan Sawadan at isang binatilyong bystander.
Nauna nang ikinanta ng nasakoteng suspek na si Rufino Panday, dating Duty Sergeant ng binuwag na Philippine Constabulary na si Abra Governor Vicente Valera ang mastermind sa krimen. Ang nasabing akusasyon ay mariin namang itinanggi ni Valera sa pagsasabing pakana ito ng mga kalaban niya sa pulitika.
Sinabi ni Gonzales na ang implementasyon ng "no plate, no travel policy" sa lalawigan ay naglalayong imonitor ang mga behikulong pumapasok at lumalabas sa lalawigan kaugnay na rin ng pagmamatine ng peace and order ng pulisya partikular na ngayong nalalapit na naman ang 2007 elections. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest