Sundalo patay sa ambush
December 25, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Isang sarhento ng Philippine Marines ang nasawi matapos na tambangan ng hindi pa nakilalang nag-iisang armadong salarin na hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng Muslim sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Staff Sgt, Leovigildo Cara, kasapi ng 31st Marine Company sa ilalim ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 1 na nakatalaga sa Poblacion, Lumbayanague ng lalawigan.
Base sa report, naganap ang pananambang bandang alas-3:30 ng hapon sa bisinidad ng terminal ng bayan ng Lumbayanague sa reclamation site ng lungsod.
Nabatid na kasalukuyang naghihintay ng masasakyan ang biktima nang biglang sumulpot ang salarin at pagbabarilin ito.
Ang biktima ay nasapul ng tama ng cal . 45 pistol sa leeg na siya nitong agarang ikinasawi habang parang walang anumang nangyari na tumalilis ang suspek.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang motibo ng krimen. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest