Sasakyan ni Bishop Villegas nakapatay
December 24, 2006 | 12:00am
BATAAN Kinarit ni kamatayan ang isang 44-anyos na drayber matapos na mahagip ng sasakyan ni Bishop Socrates Villegas ang traysikel na minamaneho ng biktima sa kahabaan ng Roman Superhighway sa Sitio Masapsap, Barangay Alikabok, Orani, Bataan kamakalawa. Namatay habang ginagamot sa Saint Joseph Hospital ang biktimang si Reynaldo Morales, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay. Ayon kay P/Insp. Antonio Apan, hepe ng Orani PNP, naitala ang sakuna dakong alas-8 ng gabi matapos na mahagip ng Ford Lynx (XMP-432) na minamaneho ni Jonathan Gementiza, sakay si Bishop Socrates Villegas ang traysikel ng biktima matapos umiwas ang sasakyan ni Villegas sa kalabaw na biglang tumawid. Nasugatan din si Bishop Villegas at ang drayber nito, subalit hindi naman malubha, habang namatay naman ang drayber ng traysikel. Sasagutin naman ni Bishop Villegas ang anumang gastusin ng biktimang nasawi matapos na mabalitaang namatay ang huli. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Ford Lynx na si Gementiza. (Jonie Capalaran)
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad na pinaniniwalaang ginagamit ng pulisya at militar laban sa grupong komunista sa naganap na namang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng New Peoples Army sa bayan ng Bulan, Sorsogon kahapon. Naisugod pa sa Irosin District Hospital, subalit hindi na umabot pa ng buhay ang biktimang si Raul Giponeo, may asawa at residente ng Brgy. Otavi ng nabanggit na bayan. Ayon sa pulisya, kumakain ang biktima kasalo ang sariling pamilya nang pasukin ng mga rebelde bago isagawa ang pamamaslang. Hindi naman sinaktan ang asawat anak ng biktima bago tumakas matapos ang krimen. (Ed Casulla)
BATAAN Dalawang araw na lang bago sumapit ang Pasko ay nadisgrasya pa ang pitong guro ng elementarya makaraang mahagip ng trak ang sinasakyang pampasaherong jeepney ng mga biktimang dadalo sana sa Christmas party kung saan tatlo ang nasa kritikal na kondisyon habang apat naman ang sugatan sa naganap na sakuna sa Bataan Economic Zone sa Mariveles, Bataan kamakalawa.
Kabilang sa mga biktimang nasa kritikal na kalagayan at ginagamot sa Bataan Doctors Hospital ay kinilalang sina Nayda Cerado, 24; Luzviminda Tubon, 31; at Sharon de Mesa, 24, pawang mga dalaga at guro ng Sto. Niño Biaan Elementary School.
Nagtamo naman ng mga galos at pasa sa ibat ibang parte ng katawan sina Stimson Torres na dinala sa Maheseco Clinic; Joel Trelles, Jaime Dumasig at ang drayber ng pampasaherong jeep na si Ranilo Salenga na isinugod din sa naturang klinika.
Napag-alamang sumalpok ang harapan ng sasakyan (DSE-838) ng mga biktima sa likurang bahagi ng trak (REH-995) ni Randy Salonga ng Gen. Trio, Nueva Ecija na nooy pababa naman sa masikip na kalsada.
Mapalad namang hindi nahulog sa matarik na bangin ang naturang dyip dahil nasabit ito sa mga malalaking punong kahoy. Pormal namang kakasuhan si Salonga habang nakapiit sa himpilan ng BEZ. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest