Reporter ng dzMM nakaligtas sa ambush
December 24, 2006 | 12:00am
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija Himalang nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang radio reporter ng dzMM makaraang tambangan ng dalawang nakamotorsiklong gunmen sa bisinidad ng Bonifacio St. sa San Jose City, Nueva Ecija noong Biyernes ng tanghali.
Sa ulat na ipinarating ni P/Supt. Peter Guibong kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktima na si Butch Gamboa, 55, miyembro ng Nueva Ecija Press Club, Inc., na nakabase sa nabanggit na lungsod.
Si Gamboa na lulan ng traysikel papauwi ay tinamaan ng bala ng baril sa kamay matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang maskaradong lalaking sakay ng motorsiklo sa nabanggit na lugar.
Kahit may sugat sa kamay ay nagawa ni Gamboa na makalabas sa traysikel at agad na nagtago sa ligtas na lugar, ayon pa sa ulat ng pulisya.
"Nakita ko pa ang mukha ng isa sa dalawang suspek nang paputukan ako. Nanlilisik ang mga mata nito habang papalayo ang sinasakyang motorsiklo sa akin kaya yumuko ako at nagtago baka kasi balikan pa ako," pahayag pa ni Gamboa.
Itinanggi naman ng biktima na politically-motivated ang insidente subalit maaaring personal ang dahilan, ayon pa kay Gamboa.
Ipinag-utos na ni Col. Guibong sa kapulisan na masusing imbestigahan ang naganap na pananambang at posibleng hindi pa nakakalayo ang mga suspek sa nabanggit na lalawigan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest