Kahit malubha ang sugat ay nakapag-motorsiklo pa patungong Batac Hospital ang biktimang si Andy Acosta ng dzJC Aksyon Radyo, subalit binawian din ng buhay bandang alas-12 ng hatinggabi.
Base ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa Christmas party ng Ilocos Norte Electric Cooperative Press Corps sa Northview Hotel sa Laoag City nang harangin ng mga suspek bandang alas-9 ng gabi.
Animoy kinatay na baboy ang katawan ng biktima dahil sa tadtad ng saksak ng patalim partikular sa tiyan na halos lumuwa ang bituka.
Sa talaan, si Acosta ang ika-27 mamamahayag na pinaslang simula noong 2001 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Lumilitaw sa ulat na nauna nang pinaslang ang radio commentator na si Roger Mariano noong 2004 na kasamahan ni Acosta sa trabaho.
Wala pang malinaw na motibo ang naganap na krimen habang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ni Acosta.