^

Probinsiya

Radio reporter tinumba

- Joy Cantos -
CAMP CRAME — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 46-anyos na brodkaster makaraang pagtulungang saksakin ng ilang kalalakihan sa naganap na namang paglikida sa hanay ng mga mamamahayag sa bayan ng Batac, Ilocos Norte kamakalawa ng gabi.

Kahit malubha ang sugat ay nakapag-motorsiklo pa patungong Batac Hospital ang biktimang si Andy Acosta ng dzJC Aksyon Radyo, subalit binawian din ng buhay bandang alas-12 ng hatinggabi.

Base ulat ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa Christmas party ng Ilocos Norte Electric Cooperative Press Corps sa Northview Hotel sa Laoag City nang harangin ng mga suspek bandang alas-9 ng gabi.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng biktima dahil sa tadtad ng saksak ng patalim partikular sa tiyan na halos lumuwa ang bituka.

Sa talaan, si Acosta ang ika-27 mamamahayag na pinaslang simula noong 2001 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Lumilitaw sa ulat na nauna nang pinaslang ang radio commentator na si Roger Mariano noong 2004 na kasamahan ni Acosta sa trabaho.

Wala pang malinaw na motibo ang naganap na krimen habang iniimbestigahan ng pulisya ang kaso ni Acosta.

ACOSTA

AKSYON RADYO

ANDY ACOSTA

BATAC HOSPITAL

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE ELECTRIC COOPERATIVE PRESS CORPS

LAOAG CITY

NORTHVIEW HOTEL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROGER MARIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with