Separada kinidnap saka hinalay
December 21, 2006 | 12:00am
QUEZON Hindi umubra ang pagiging karatista ng isang 44-anyos na separada laban sa tatlong kalalakihang matapos kidnapin ay pinilahan sa abandonadong kubo sa Barangay Ilayang Burgos sa bayan ng Pitogo, Quezon, kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang kinukupkop ng kanyang mga kaanak ang biktimang itinago sa pangalang Marie, tindera at residente ng Barangay Cawayanin ng nasabing bayan. Tugis naman ng pulis ang mga suspek na pawang miyembro ng grupong "Bonnet Gang". Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Milo Tabernilla, nakatayo ang biktima sa harapan ng bahay ng kanyang kaibigang si Janet Abad nang pagtulungang kaladkarin ng mga suspek patungo sa loob ng abandonadong kubo. Napag-alamang ginamit ng biktima ang kanyang kaalaman sa karate, subalit wala itong nagawa sa lakas ng mga suspek na matagumpay na naisagawa ang maitim na balag. (Tony Sandoval)
CAMP CRAME Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang winasak makaraang ransakin at wasakin ng mga hindi pa nakilalang grupo ang sangay ng tanggapan ng Philvocs sa bayan ng Irosin, Sorsogon, ayon sa ulat kahapon. Batay sa ulat ng police regional office (PRO) 5, dakong alas-11 ng umaga nang wasakin ang kandado ng maingate ng observation site ng nasabing opisina sa Barangay Salvacion ng nabanggit na munisipalidad. Tinangay ng mga kawatan na pinaniniwalaang lango sa droga ang Seismomometer Ranger na nagkakahalaga ng P 50,000, supervisory unit (P 30,000) at solar gel battery (P10,000). Hindi pa nakuntento ay winasak pa ng mga kawatan ang isang K2 digitizer na nagkakahalaga naman ng P1-milyon. Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang pagkikilanlan ng mga kawatan. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest