Trader tinumba sa tindahan

BATAAN – Malungkot na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang 56-anyos na negosyante na naging opisyal ng pulisya makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa loob ng palengke sa Barangay San Jose, Balanga City, Bataan kamakalawa. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si Jesus Marquez Ronquillo, ng De Mesa Village sa bayan ng Hermosa, Bataan. Ayon kay SPO2 Rommel Morales, si Ronquillo na naging kapitan ng pulisya sa Camp Olivas, Pampanga ay nakaupo sa loob ng kanyang tindahan nang lapitan ng dalawang armadong kalalakihan. Sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang biktima. Tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo sa direksyon ng Roman Highway. Posibleng iginanti ng grupong Rebolusyunaryong Hukbo ng Bayan ang pagkakadakip sa kanilang opisyal na si Rafael Limcumpao kung saan nakipagtulungan ang biktima sa pulisya, ayon kay P/Supt. Ceazar Daniel Miranda, hepe ng Balanga City PNP. (Jonie Capalaran)
Tinedyer pinilahan ng 2 ‘bading’ 
CAVITE – Isang tinedyer na lalaki ang pinilahan ng tatlong bading matapos na makipag-text ang biktima sa Barangay Salitran 2, Dasmarinas, Cavite, kamakalawa. Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Rommel, 18, ng Barangay Navarro, General Trias, Cavite. Kasalukuyang nakapiit at pormal na kakasuhan ang mga suspek na sina Nathaniel Bryan Mangay, 18; Rollie Mendoza, 25; at si Rowena Bautista, 19 pawang residente ng Ivory Crest Subd. sa Barangay Salitran, Dasmarinas, Cavite. Ayon kay SPO3 Carlito Gener, pinagnakawan pa ng alahas at celfone ang biktima matapos na yayain ng mga suspek sa kanilang bahay mula sa pakikipagkita sa mall. Ayon sa pulisya, nakipag-text ang biktima sa mga suspek hanggang sa makipagkaibigan bago isinagawa ang krimen. (Cristina Timbang)

Show comments