Mag-asawa kinatay sa bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Brutal na kamatayan ang sumalubong sa mag-asawang tahimik na namumuhay makaraang pagtulungang tagain at saksakin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa naganap na karahasan sa Sitio Naghoom, Barangay Agrupacion, Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Ang mga biktimang natagpuang duguang nakabulagta sa sahig ng kanilang bahay ay nakilalang sina Clemente Arañas Sr., 54; at Elena Arañas, 48. May teorya ang pulisya na nakilala ng mag-asawa ang salarin kaya kapwa tinuluyan. (Ed Casulla)

Show comments