Nursing student ni-rape slay ng mga adik
December 17, 2006 | 12:00am
LAGUNA Isang 17-anyos na Nursing student ang hindi na makapagdadaos ng kasiyahan sa Pasko matapos holdapin at patayin ng mga kalalakihang sugapa sa droga sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ni P/Chief Inspector Joriz Cantoria, hepe ng Sta Cruz PNP, ang biktimang si Jen-jen Ademi ng Barangay San Antonio, Kalayaan, Laguna at first year student ng STI Computer School sa bayang nabanggit.
Ayon sa report, bandang alas-6 ng gabi, papunta na sana si Ademi sa Christmas party sa Monserrat Subdivision ng Barangay Sto. Angel Sur sakay ng traysikel nang hindi na ito nakarating, ayon na rin sa kanyang mga kaklase.
Kinabukasan, araw ng Biyernes, laking gulat na lang ng mga residente sa lugar nang matagpuan ang bangkay ni Ademi sa loob ng Himlayan Ng Mga Anghel Cemetery na may apat na tama ng saksak sa kanyang leeg.
Sa panayam ng PSN kay Cantoria, hindi naman napagsamantalahan ang biktima, base sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO).
Malaki naman ang paniniwala ng mga kaanak ng biktima na napagsamantalahan ang dalaga dahil natagpuan ang bangkay nitong wala nang saplot.
Nagrereklamo rin ang mga magulang ng biktima laban sa mga imbestigador nang magsagawa ang mga ito ng awtopsiya nang wala umanong pahintulot sa mga kanila.
Paiimbestigahan ko ang kanilang sumbong kung totoo ngang nangyari ang mga bagay na yon," ani Cantoria sa PSN.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Sta. Cruz PNP para masakote ang mga suspek na pinaniniwalaang mga sugapa at adik sa bawal na gamot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest