Cavite shootout: 3 holdaper dedo
December 16, 2006 | 12:00am
Tatlong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga notoryus holdaper na nagtangkang looban ang isang banko, ang napaslang ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa naganap na shootout sa bisinidad ng Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite kahapon.
Sa pahayag ni Director Jesus Verzosa, hepe ng PNP-CIDG, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa modus operandi ng mga miyembro ng Laxamana-Ampang robbery/holdap gang kaya agad na pinostehan ng mga awtoridad ang nabanggit na barangay.
Bunga nito, ganap na alas-2 ng hapon nang makasagupa ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang mga suspek na lulan ng puting Nissan Sentra na walang plaka.
Gayon pa man, patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing holdaper, pero ang lider ng grupo na si Jake Mahilom ay idineklarang patay sa Metro South Medical Hospital na pawang mga miyembro ng Laxamana-Ampang-Colangco Ilonggo Group, ayon naman kay P/Supt. Mark Edison Belarma, hepe ng CIDG sa Region 4.
Sa kasalukuyan, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga awtoridad laban sa dalawa pang nakatakas na miyembro ng sindikato na pinaniniwalaang nasa bisinidad lamang ng nabanggit na barangay. (Joy Cantos, Arnell Ozaeta At Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended