Tahungan sa Abucay pinipirata
December 11, 2006 | 12:00am
ABUCAY, Bataan Mariing kinondena ng may 2,000 mangingisda ang walang pakundangang pananalasa o paninira ng taga ibang lugar sa mga lugar na tahungan ng maliliit na mangingisda dito.
Ayon kay Wilfredo Flores, bise-presidente ng Magtatahong sa Abucay tatlong beses isang linggo umano kung salakayin ng mga mangingisda mula sa bayan ng Malabon, Cavite at Parañaque City ang baybaying karagatang sakop ng Abucay para illegal na pangisdaan ang lugar ng tahungan gamit ang dinamita sa panghuhuli ng isda.
Sinabi ni Flores kung hindi masasawata ang ganitong pamamaraan ng panghuhuli ng isda sa pamamagitan ng paputok, mauubos lahat ang ipinundar na tahungan ng mga maliliit na magtatahong at mangingisda sa Abucay. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended