^

Probinsiya

Libong Reming victims nabiyayaan ng Star Group Operation Damayan

-
LEGAZPI CITY – Libong tao na biktima ng super bagyong Reming ang nabiyayaan ng Star Group of Publications Operation Damayan matapos na pagkalooban ang mga ito ng mga relief goods nitong Sabado sa Albay.

Ang unang bayan na pinuntahan ng grupo ay ang Polangui kung saan mababakas sa mukha ng mga residente ang kasiyahan at labis na pasasalamat.

Isinunod ang Barangay Maipon sa Guinobatan na matindi ang naging pinsala matapos na halos buong barangay ay matabunan ng malalaking bato at buhangin nang rumagasa ang mud flows. Tinatayang mahigit 300 katao ang nawawala pa at 180 katao ang natagpuang patay sa naturang lugar.

Nagtungo rin ang grupo sa Barangay San Rafael at marami din dito ang nasalanta, nawalan ng bahay dahil sa Reming.

Masayang tinanggap din ang grupo ng Operation Damayan sa evacuation center sa Libod Elementary School sa bayan ng Camalig na kung saan ang mga pamilya dito ay halos wala nang matirhan makaraang matabunan ng putik at bato ang kani-kanilang mga bahay.

Halos hindi na nakakaramdam ng pagod ang grupo nang isinunod ang Tabaco, Albay at namahagi din sila ng relief goods sa relocation site dito na halos hindi na abutin ng tulong mula sa pamahalaan.

Dahil na rin sa lakas ng ulan bunga ng panibagong bagyong Seniang at signal no. 2 na sa lalawigan ng Albay ay agad na bumiyahe ang grupo pabalik sa Legazpi dahil sa pangambang hindi na maaaring daanan ang Barangay Padang sa oras na lumakas ang buhos ng ulan at malakas ang agos ng tubig.

Buong tiyaga na sinuong ng bus ng Star Group ang malakas na agos ng tubig kung kaya nagawa nilang makatawid nang ligtas patungong Legazpi para sa pagbabalik sa Maynila. (Ed Casulla)

ALBAY

BARANGAY MAIPON

BARANGAY PADANG

BARANGAY SAN RAFAEL

ED CASULLA

LEGAZPI

LIBOD ELEMENTARY SCHOOL

OPERATION DAMAYAN

REMING

STAR GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with