Kasama ni DILG Director Ruben Diaz ng Bataan si Region-lll Director Josefina Castilla Go sa pagsisilbi ng suspension order laban kay Limay Mayor Nelson David, presidente ng Mayors League subalit hindi nila nadatnan ang alkalde.
Dumaan ang grupo ni Go sa tahanan ni Vice- Mayor Melchor Fernando dahil wala ito sa kanyang tanggapan dahil may sakit ito para malagdaan nito ang order at opisyal na siyang hahalili munang mayor ng Limay.
Nauna rito, nagrekomenda ang Sangguniang Panlalawigan (SP) members ng 60-days preventive suspension laban kay David, makaraang maisagawa ang masusing imbestigasyon sa isinampang kasong administratibo ni Manuel de Leon, foreman ng Virgilio P. Roque Construction Company laban sa nasabing alkalde.
Nagsimula ang naturang kaso sa di-umanoy hindi pagbibigay ng building permit at contractors business permit ni David, may-ari NCD Construction and Trucking sa DAELIM Philippines Inc., isang Korean construction dahil lang umano na hindi sa NCD nai-award ang P100 milyon halaga ng proyekto sa loob ng Petron.
Lumitaw sa imbestigas- yon ng SP Members, naaward sa DAELIM Philippines ang naturang proyekto habang ang Virgilio Roque Construction Company naman ang lumala- bas na sub-contructor nito at dahil nga may takdang panahon kung kailan matatapos ang naturang proyekto, nakansela ito.
Sinabi ni De Leon ito ay isang lantarang paglabag sa R.A.6713 o code of conduct and ethical standards for public officials and employees particular sa section 9 at paglabag din sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices act dahil ginamit din umano ni David ang kanyang posisyon para i-harass ang mga contractors ng Petron refinery projects at iniutos ang pagpapatigil dito.