Kolektor, et al sa Subic kinasuhan
December 8, 2006 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Sinampahan ng kasong graft and corruption at iba pang mga kasong kriminal sa tanggapan ng Ombudsman ang ilang matataas na opisyal ng Customs at Finance partikular si Port of Manila Deputy Collector Marietta D. Zamoranos dahil sa biglaang pag-agaw nito sa puwesto ni Atty. Andres Salvacion bilang kolektor ng Port of Subic (PoS) ng Bureau of Customs (BoC) dito.
Sa 12-pahinang complaint-affidavit na isinumite ni Salvacion kay Atty. Elena D. Barcenal, Graft Investigation and Prosecution Officer II ng Office of the Deputy Ombudsman for Luzon, lumabag umano si Zamoranos at binalewala nito ang writ of preliminary injunction na ipinalabas ng korte ng sapilitang itake-over nito ang puwesto ni Salvacion.
Kasama din na kinasuhan sa Ombudsman sina Customs Comm. Napoleon Morales, Asst. Customs Comm. for Administration Jing Sales at Finance Sec. Margarito Teves dahil sa pagpirma ng mga ito sa Customs Personnel Order no. B-309-2006 ni Zamoranos na siyang hahalili kay Salvacion.
Ang order of writ of preliminary injunction ay ibinaba noong Agosto 15, 2006 ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 sa sala ni Judge Ramon S. Caguioa na pumipigil kanino man na umupo kapalit ni Salvacion bilang Subic Customs Collector habang ang nasabing usapin ay pansamantalang dinidinig sa nasabing korte.
Inareklamo din ang apat na armadong miyembro ng Subic Anti-Smuggling Task Force (ASTF) na siyang itinalaga kay Zamoranos bilang personal security escort nito na umanoy inatasan ni ASTF Chief Lt. Gen. (ret) Jose Calimlim na kasalukuyang nagbabantay sa tanggapan nito sa ikalawang palapag ng customs building.
Ayon kay Salvacion, sapilitang winasak ng mga tauhan ni Zamoranos ang opisina nito at tinangay ang P250, 000 halaga ng mga personal na kagamitan at cash.
Kasong Code of Conduct and Ethical Standards of a Public official; theft; libel; indirect assaults; Resistance and Disobedience; Usurpation of Judicial functions ang ilan lamang sa isinampang mga kaso ni Salvacion laban sa naturang mga opisyal. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended