Sa ulat ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), ang mga nasagip ay sina Baby Gian (Balaoro) at ina nitong si Lilian Balaoro habang patay na nahukay ang mga kasambahay nito na sina Rosa Salazar, Girlie Salazar, Zaide Salazar at kapatid ng sanggol na sina Geryl Balaoro, Romnick Balaoro at isang Ka Forman.
Ayon kay Ginang Balaoro, may maliit na butas sa mga tumabon na putik sa kanila at mula roon ay nakakuha ang mga mag-ina nang hangin na malalanghap na siyang nagpanatili upang mabuhay.
Sa kasamaang palad ay nalibing ang kanyang mga kasambahay.
Matapos na mahukay ang mag-ina ay agad silang dinala sa pagamutan upang masuri at mabigyan ng karampatang lunas dulot ng panghihina ng katawan.
Sa pinakahuling ulat ng NDCC, umaabot na sa 570 katao ang iniwang bangkay ng bagyong Reming, 1,933 naman ang sugatan at 746 pa ang nawawala.
Umaabot sa P1.27 milyon ang pinsala nito sa mga ari-arian; mahigit P1 milyon sa inprastraktura at P251,000,867 sa agrikultura.