3 pulis, 3 pa sabit sa kidnapping
December 6, 2006 | 12:00am
MALOLOS CITY, Bulacan Nahaharap ngayon sa kasong kidnapping ang anim na kalalakihan kabilang ang tatlong pulis na dumukot sa ka-live-in partner ng labandera bago humingi ng ransom sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Sheldon Jacaban, hepe ng Provincial Intelligence and Investigation Branch (PIIB), ang mga suspek na sina PO2 Armando Pacheco y Afan na nakadestino sa Camp Bagong Diwa, Bicutan; PO1 Ernesto Garcia y Urbano, at PO1 Anthony Cubos y Glua, kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Meycauayan; mga sibilyang sina Renato Pacheco, Reynado Del Rosario at Arristotle Reyes na pawang naninirahan sa Bagumbong, Caloocan City.
Ayon kay Jacaban, ang mga suspek ay kinasuhan sa piskalya matapos madakip noong Lunes ng gabi sa toll gate ng Meycauayan habang tinatanggap ang ransom money mula sa labanderang si Marilou Tesoro ng bayan ng Marilao.
Sa ulat ni P/Supt. Edwin Quilates, hepe ng pulisya sa bayan ng Marilao, humingi ng tulong si Tesoro matapos makatanggap ng text messages mula sa nagpakilalang miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency na kailangan ang P.1 milyon para sa kalayaan ni Garry Nuñez, ka-live-in partner ng labandera.
Agad na binuo ang isang pangkat sa tulong ng PIIB at PDEA para isagawa ang entrapment operations sa Meycauayan toll gate.
Pagtanggap ng isa sa mga suspek ng bag na kunwariy naglalaman ng ransom money mula kay Tesoro, agad itong dinakma ng mga pulis at natulala ang tatlo pang kasama nito na nakasakay sa Nissan Frontier na may plakang EMP 999 na nakaparada sa ibayo ng expressway.
Mabilis naman naaresto ang mga suspek at natunton si Nuñez sa Tierra Nova Subdivision sa Bagumbong, Caloocan City. Narekober naman ng pulisya ang M-16 Armalite rifle, caliber .45 at 9mm na baril na pawang service firearms ng tatlong pulis na suspek.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended