30 NPA rebs patay sa mudflow
December 5, 2006 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Hindi sa pakikipaglaban sa tropa ng militar napatay ang 30 rebeldeng New Peoples Army kundi sa rumaragasang putik mula sa Mt. Mayon noong nakalipas na linggo na apektado ng bagyong "Reming" makaraang marekober ang kanilang bangkay ng mga sundalo ng AFP-Rescue Team sa liblib na bahagi ng Daraga, Albay noong Biyernes.
Narekober ng mga sundalo ng 9th Infantry Division ang bangkay ng babaet lalaki mula sa tone-toneladang putik at bato ng Mt. Mayon matapos na manalasa si Reming" sa Kabikulan, ayon pa sa ulat.
Bukod sa mga bangkay ng mga hindi kilalang lalakit babae na nagkakapatong na natagpuan ay narekober din ang ilang granada, ibat ibang uri ng bala ng malalakas na kalibre ng baril, mga gamot at mga subersibong dokumento, ayon sa pahayag ni Major Ramon Rosario, kumander ng Armed Forces Civil Relations Service sa Southern Luzon.
Naniniwala ang militar na may nakabaon pang mga armas sa ilalim ng putik dahil sa impormasyon na ang grupo ng mga rebelde na natabunan ng putik ay may mahalagang pagpupulong, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalasa ang bagyong Reming"
Ayon pa sa ulat, sinikap na beripikahin ang pagkikilanlan ng mga nasawing rebelde, subalit walang nakakilala sa kanila maging ang mga opisyal ng barangay sa nabanggit na bayan.
May teorya si Rosario na ang mga rebelde ay may planong maghasik ng karahasan sa nabanggit na bayan kundi lang nanalasa si "Reming". Base sa record ng militar, ang grupo ng Santos Binamera Command ang may operasyon sa lalawigan ng Albay, kaya posibleng mga kaanib ang mga rebeldeng namatay. (Tony Sandoval at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended