Ayon kay Arreza, ang MGfind Subic, Inc. ay isa sa kumpanya mula sa South Korea ang nagpapakita ng buong tiwala sa pamunuan at sistema ng SBMA.
Ang pabahay ay tinawag na MG Dream Condotel na itatayo sa 2.5 ektarya sa bahagi ng Subic Bay Freeport industrial site.
Ang condotel ay may 150 kuwarto kabilang na ang health, wellness spa, gift shops, medical clinic, fusion bar, restaurant, swimming pool at golf driving range.
Sinabi pa ni Arreza na layunin ng kanilang liderato ni Chairman Feliciano Salonga na palakasin ang SBMA na maging paraiso bilang retirement haven ng mga retirado, lokal man o dayuhan.
Sa panig naman ni MGfind Subic Inc. Chairman Chang Young Ryu, ang desisyon ng kanilang kumpanya na mag-invest sa SBMA dahil sa magandang ugnayan ng Pilipinas at South Korea.
"Maganda ang kanilang (Freeport) patakaran at hindi kami nagkamali sa pagpili na magtayo ng ganitong proyekto dahil na rin sa lumalaking bilang ng aming mga kababayang negosyante at estudyante dito," pahayag pa ni Ryu.