^

Probinsiya

P.5-B housing project sa SBMA, sinimulan

-
SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY — Ipinahayag kamakailan ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) administrator and chief executive office Armand Arreza na sinimulan na ang P.5 bilyong housing project sa loob ng SBMA matapos isagawa ang ground-breaking ceremonies may ilang araw na ang nakalipas.

Ayon kay Arreza, ang MGfind Subic, Inc. ay isa sa kumpanya mula sa South Korea ang nagpapakita ng buong tiwala sa pamunuan at sistema ng SBMA. 

Ang pabahay ay tinawag na MG Dream Condotel na itatayo sa 2.5 ektarya sa bahagi ng Subic Bay Freeport industrial site.

Ang condotel ay may 150 kuwarto kabilang na ang health, wellness spa, gift shops, medical clinic, fusion bar, restaurant, swimming pool at golf driving range.

Sinabi pa ni Arreza na layunin ng kanilang liderato ni Chairman Feliciano Salonga na palakasin ang SBMA na maging paraiso bilang retirement haven ng mga retirado, lokal man o dayuhan.

Sa panig naman ni MGfind Subic Inc. Chairman Chang Young Ryu, ang desisyon ng kanilang kumpanya na mag-invest sa SBMA dahil sa magandang ugnayan ng Pilipinas at South Korea.

"Maganda ang kanilang (Freeport) patakaran at hindi kami nagkamali sa pagpili na magtayo ng ganitong proyekto dahil na rin sa lumalaking bilang ng aming mga kababayang negosyante at estudyante dito," pahayag pa ni Ryu.

ARMAND ARREZA

ARREZA

AYON

CHAIRMAN CHANG YOUNG RYU

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

DREAM CONDOTEL

SOUTH KOREA

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with