3 karnaper dinedo ng pulis
December 3, 2006 | 12:00am
NUEVA ECIJA Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang sangkot sa kasong carnapping ang iniulat na napatay makaraang mang-agaw ng baril at makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa Barangay Sto. Cristo Norte, Gapan City, Nueva Ecija noong Biyernes ng umaga.
Naisugod pa sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay ang mga napatay na sina Robert Santos y Castro, Joel Tiglao, 30, tubong Bukidnon na kapwa naninirahan sa bayan ng Mabalacat, Pampanga; at si Antonio Baguio ng Bulacan.
Base sa report ng mga tagapagsiyasat na isinumite kay P/Chief Inspector Arnel Valerio Santiago, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, ang tatlong napatay ay nasakote ng pulisya matapos na makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga karnaper mula sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan PNP.
Napag-alamang sakay ng pampasaherong jeepney na may plakang CNK-306 ang tatlo nang maparaan sa PNP checkpoint na pinamumunuan ni P/Insp. Nestor Frany, sa Barangay Bucana, Gapan City.
Ayon pa sa report, nasakote ang tatlo at habang sakay ng patrol car patungong himpilan ng pulisya ay inagaw ang baril ng nag-iisang bantay na si PO1 Llyod Jeffrey Bunag hanggang sa magpambuno ang dalawa at sa hindi nabatid na dahilan ay umalingawngaw ang sunud-sunod na putok at duguang bumulagta ang tatlo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended