Trader kritikal sa pamamaril
December 1, 2006 | 12:00am
BALANGA CITY Bataan Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang isang 49-anyos na negosyanteng babae makaraang pagbabarilin ng dalawang maskaradong kalalakihan sa harap ng bahay ng biktima sa Barangay Ibayo, Balanga City, Bataan kahapon ng umaga. Dalawang bala ng baril sa batok na tumagos sa panga at ngayon ay ginagamot sa Isaac Catalina Medical Center ang biktimang si Joselina Banzon y Jacob, may-ari ng money lending sa nabanggit na barangay. Nakatakas naman ang mga suspek sakay ng motorsiklo. (Jonie Capalaran)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended