14 arestado dahil sa ‘hot meat’

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Labing-apat na sibilyan ang iniulat na dinakip ng mga tauhan ng Regional Operations Group (RSOG) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos na maaktuhang nagdidiskarga ng kilu-kilong kontaminadong karne sa bayan ng San Pedro, Laguna noong Miyerkules ng gabi. Kabilang sa mga suspek na kinasuhan ay sina Eduardo Lamina, Marvin Bagacay, Jason Paluyo, Sandro Paluyo, Jovanie Peralta, Rodel Uno, Ernesto Ursua, Rafael Peralta, Alberto Guiang, Richard Pareha, Leonardo Lazarte, Elvis Bermido, Alex Selos, at Reynaldo Masane.

Samantala, hindi naman inabutan ng mga operatiba ang may-ari ng bahay at mag-business partners na sina Mark at Emil Perez, ayon sa pahayag ni P/Superintendent James Brillantes, Jr, chief ng RSOG, na siya ring namuno sa isinagawang raid sa Lot 30, Block 5-A Macaria Village. Ayon sa ulat, ang dalawang sasakyan na may plakang THF-570 at XSE-278 ay naglalaman ng imported meat products ng chicken, beef at pork na pinaniniwalaang kasama sa mga nawawalang karne sa bodega ng Customs. "Karamihan sa suspek ay mga gumagawa ng longganisa kaya posibleng gagawin nilang longganisa at iba pang processed meat products ang mga nakumpiskang karne na mabiling-mabili ngayong Kapaskuhan," dagdag pa ni Brillantes. (Arnell Ozaeta)

Show comments