^

Probinsiya

Air Force man dedo sa kabaro

-
BATANGAS — Naging palaisipan sa pamunuan ng Philippine Air Force kung aksidente o sinadya ang pagpatay sa isa nilang kabaro makaraang mabaril ng tinyente habang nasa loob ng kanilang kampo sa bayan ng Rosario, Batangas noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Senior Superintendent Edmund Zaide, Batangas police director, ang napatay na sundalo na si Airman First Class (A1C) Ricardo Muñoz, 24, tubong Zamboanga City.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek na si 2nd Lt. Jeffrey Martinez, 23, ng San Fernando Airbase sa Lipa City.

Si Lt. Martinez at A1C Muñoz ay kapwa sundalo ng 744th Combat Squadron ng Philippine Air Force sa Barangay San Isidro Detachment, Rosario, Batangas. Napag-alamang ipapatong sana sa lamesa ni Lt. Martinez ang kanyang M-16 Armalite rifle nang aksidente makalabit nito ang gatilyo kaya tinamaan ng bala sa dibdib si A1C Muñoz na nakaupo sa dulo ng lamesa.

Subalit ayon sa pulisya, ginulpi ng mga classmate ni Munoz ang opisyal nilang si Lt.Martinez matapos maganap ang aksidente. 

Nagsasagawa na rin ng hiwalay na imbestigasyon ang Philippine Air Force sa kaso para madetermina kung aksidente ba o sinadya ang naganap na insidente. (Arnell Ozaeta)

AIRMAN FIRST CLASS

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN ISIDRO DETACHMENT

BATANGAS

COMBAT SQUADRON

JEFFREY MARTINEZ

LIPA CITY

PHILIPPINE AIR FORCE

RICARDO MU

SAN FERNANDO AIRBASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with