Nabatid na noong Sabado (Nobyembre 25) ganap na alas-8 ng umaga nang magtungo ang biktima sa bahay ng isa sa kanyang kamag-anak sa Sampaloc Compound, Barangay Sta. Rita, Olongapo City.
Napag-alamang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at nagkaroon ng mga rushes sa mukha at ibat ibang bahagi ng katawan kung saan nahimatay ang biktima.
Kaagad namang itinakbo sa nabanggit na ospital si Brusula ng kanyang kasamahan, subalit pagkalipas ng 13-oras sa nasabing ospital ay namatay din ito.
Sa ginawang pagsusuri ng mga attending physicians ng James Gordon Hospital, dito lumabas na positibo sa bacteria fever na meningococcemia ang dahilan ng pagkasawi ng biktima at agad na sumailalim sa anti-meningo vaccine ang mga doktor at medical personnel upang maiwasan ang pagkakahawa sa naturang sakit.
Sinubukang makapanayam ng PSN si Dr. Arnie Tamayo, head ng City Health Office, subalit tumangging magbigay ng pahayag kaugnay sa halip ay itinuro ang public affairs office upang makipag-ugnayan, na ayon naman kay Vic Vizcocho ay kasalukuyan pa nilang inaalam ang insidente. Habang isinusulat ang ulat na ito ay hindi pa malaman kung ilan sa mga kasambahay ng biktima partikular sa kanyang tahanan sa Iram Resettlement Area at sa Sampaloc compound ang positibong nahawaan na ng nakamamatay na sakit dahil hindi pa rin nailalagay sa "quarantine treatment" ang lugar kung saan namamalagi ang lalaki. (Jeff Tombado)