Nakagat ng aso, nagbigti
November 30, 2006 | 12:00am
RIZAL May posibilidad na natakot na mabaliw dahil sa kagat ng asong kalye ang isang 33-anyos na Bumbay kaya nagdesisyong magbigti sa kanilang tahanan sa Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal kamakalawa ng hapon.
Ang biktimang natagpuang may nylon cord sa leeg at nakabitin sa kisame ng kanilang tahanan sa Block 5 Lot 78 Celina Homes Subd. ay nakilalang si Pawan Jit Singh.
Ayon kay PO2 Edwin Ignacio, ang biktima ay nakagat ng asong kalye may ilang araw na ang nakalipas bago nagpagamot sa ospital.
Simula noon ay naging balisa na ang biktima kahit nagpabakuna na sa doctor laban sa kamandag ng aso.
Huling namataan ng mga kaanak ang biktima na nakatulala kamakalawa ng umaga na pinaniniwalaang natakot magka-rabis at maulol kaya nagdesisyong mag-suicide.
Bandang alas-2:30 ng hapon natagpuan ng kanyang misis na si Amandeep Kaur ang bangkay ng sariling mister na nakabitin sa naturang lugar.
Upang makasiguro ang pulisya na walang foul play sa pagpapakamatay ng biktima ay dinala ang mga labi sa PNP crime lab para sumailalaim sa utopsy. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended