^

Probinsiya

Ika-3 most wanted nasakote

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang itinuturing na ika-3 most wanted sa Southern Tagalog sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bahagi ng Poblacion, Bulan, Sorsogon kahapon ng umaga. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Bienvenido Mabaye ng Lucena Regional Trial Court-Branch 55, inaresto ng mga tauhan ni P/Supt. Enrique Magalona ang akusado sa kasong rape si Ricardo Tatlonghari, 50, ng Padre Burgos, Quezon. Si Tatlonghari na may patong sa ulo na P.140 milyon ay naispatan bandang alas-6:30 ng umaga sa tinutuluyang bahay sa nabanggit na bayan, base sa impormasyong nakalap ng pulisya. Walang piyansang inirekomenda ang korte kay Tatlonghari at kasalukuyang ihahatid sa lalawigan ng Quezon para litisin. (Ed Casulla)
Kinidnap na tiktik ng AFP dinedo
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City –Pinahirapan muna bago pinaslang ang isang 22-anyos na binata na pinaniniwalaang tiktik ng militar at pulisya makaraang kidnapin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Lungib, Pilar, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Ang biktimang unang napaulat na dinukot ng mga rebelde noong Lunes (Nob. 13) ng madaling-araw ay nakilalang si Domingo Marbella ng nabanggit na barangay. Ayon sa pulisya, bago maganap ang insidente ay nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima, subalit patuloy nitong binabalewala hanggang sa dumating ang panahon na isagawa ng mga rebelde ang krimen. (Ed Casulla)
Kumander ng 9th ID ng AFP, pinasisibak
CAMARINES NORTE – Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang heneral ng Phil. Army sa Kabikulan makaraang kumalat ang balitang pinasisibak siya sa puwesto bilang kumander ng 9th Infantry Division dahil sa naganap na pamamaril ng ilang sundalo sa kampo ng pulisya sa Naga City noong Martes, Nobyembre 7. Nadismaya naman ang pinasisibak na si Brig. General Napoleon Malana na may limang buwan pa lamang naninilbihan bilang kumander sa Camp Elias Angeles sa bayan ng Pili, Camarines Sur. Kumalat din ang balitang isang Brig. General Arugay ang ipapalit sa puwesto ni Gen. Malana. (Francis Elevado)
3 mamumutol ng punongkahoy, tiklo
VINTAR, Ilocos Norte –Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na namumutol ng punongkahoy ng walang kaukulang permiso sa Department of Environment and Natural Resources ang dinakip ng mga awtoridad sa mabundok na bahagi ng Barangay Saricao sa bayan ng Vintara, Ilocos Norte kamakalawa. Kabilang sa mga suspek na pormal na kinasuhan ay nakilalang sina Nelson Gamiao, dating rebeldeng New People’s Army; anak nitong si Melvin Gamiao at si Roger Rivera na pawang residente ng Tadao, Pasuquin. Nakatakas naman ang isa pang kasama ng mga suspek na may bitbit na chainsaw, ayon sa ulat ng opisyal ng DENR. (Myds Supnad)

vuukle comment

BARANGAY LUNGIB

BARANGAY SARICAO

CAMARINES SUR

CAMP ELIAS ANGELES

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ED CASULLA

ILOCOS NORTE

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with