Estudyante ginulpi ng teacher
November 26, 2006 | 12:00am
ANTIPOLO CITY, Rizal Nalalagay ngayon sa balag ng alanganing masibak sa pagiging teacher sa hayskul matapos na gulpihin ng una ang kanyang estudyante na umaawat lamang sa kaguluhan sa loob ng eskuwelahan na sakop ng Barangay dela Paz, Antipolo City.
Dahil sa hindi nagpapakita ang suspek na si Edward Guerrero na teacher sa Antipolo National High School ay minabuti ng mga magulang ng biktimang itinago sa pangalang Manny, 15, na magsampa ng kaukulang kaso sa himpilan ng pulisya
Lumitaw sa reklamo ng biktima na noong Lunes ng gabi nang maispatan ng biktima na nakikipag-away ang isa sa kanyang kaibigan sa kapwa estudyante sa harapan ng room ng suspek.
Agad na namagitan ang biktima, subalit biglang lumabas ng kuwarto ang suspek na inakalang sangkot si Manny sa kaguluhan kaya hinatak nito sa batok at sinuntok sa mukha.
Napag-alamang hindi pa nakuntento ang suspek ay pinagtatadyakan pa ang biktima na namimilipit sa sakit ng katawan habang nagpulasan ang nag-aaway na estudyante.
Kinabukasan ay nagtungo ang mga magulang ng biktima sa nabanggit na eskuwelahan upang komprontahin ang suspek sa naganap na insidente, subalit hindi sumipot ang guro kaya minabuti ng biktima na dumulog sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended