Ayon sa pulisya, aabot sa P135,000 ang nalimas mula sa mga pasahero ng Bachelor Bus (body no. 3536) na minamaneho ni Leo Jarlata Simo, 49, kasama ang konduktor na si Juan Abalon Llagas, 32, na kapwa residente ng Gingoog City. Ayon sa talaan ng PNP Caraga Region, ang naganap na holdap ay ika-47 sa taong kasalukuyan. Base sa ulat, tatlong araw matapos na holdapin ang bus ni Simo ay isa pang pampasaherong Bachelor Bus mula sa Butuan City patungong Davao City ang nabiktima ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Monkayo, Compostela Valley kung saan isa sa mga pasahero ay pinatay. (Ben Serrano)
Mga holdaper ng bus nanalasa uli
CAMP RAFAEL RODRIGUEZ, Butuan City Sa ikatlong pagkakataon ay muling nanalasa ang mga armadong kalalakihan matapos na holdapin ang ikatlong pampasaherong aircon bus sa kahabaan ng national highway, Crossing Sitio Tambis sa Barangay Afga malapit sa boundary ng bayan ng Sibagat sa Agusan del Sur at Butuan City, kamakalawa ng gabi.