2 fans ni Pacman nakuryente, grabe
November 25, 2006 | 12:00am
CABANATUAN CITY Dalawang avid fans ni Manny "Pacman Pacquiao ang kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang makuryente habang nakikipanuod ng telebisyon sa laban nina Manny at Erik Morales noong Linggo sa Barangay Cinco-Cinco, Cabanatuan City, Nueva Ecija. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jaypee Robles, 21 at Joey Mallare, 19, kapwa binata, ng Purok 7, Talipapa Norte, Cabanatuan City. Ayon sa pulisya, ang dalawa ay napahawak sa bakal na antenna ng telebisyon na napadikit sa malakas na boltahe ng kuryente ng Cabanatuan City Electric Corp. habang nanonood ng boksing. Pumutok ang tagiliran at laman ng puwitan ni Jaypee, pati na ang mga daliri, braso at dibidib na ngayon ay nasa Premier General Hospital, samantala, si Joey naman ay pumutok ang batok, mga daliri ng paa. Dahil sa pagdating ni Manny Pacquiao sa bansa kahapon ay humihingi ng tulong ang mga kaanak ng mga biktima sa kanilang idolo. (Christian Ryan Sta. Ana)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest