Mag-inang trader kinidnap, tinodas
November 25, 2006 | 12:00am
ZAMBALES Pinaniniwalaang pinagnakawan muna bago kidnapin at patayin ang mag-inang negosyante ng anim na maskaradong kalalakihan na natagpuan ang mga bangkay sa bahagi ng Sitio Tambac, Barangay Palanginan, Zambales kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang mag-inang pinatay na sina Judith Afable y, Medina, 74 at anak nitong si Isidore Afable 40, ng #24 Cecellie Ville St. White Plain, Quezon City at may bahay din sa Barangay Beneg, Botolan, Zambales.
Nauna nang iniulat ni SPO1 Ramon Supe kay P/Senior Supt. Arrazard Subong na pinagnakawan muna bago kinidnap ang mag-ina mula sa Barangay Beneg, Botolan, Zambales noon pang Miyerkules (Nov. 22) ng madaling-araw at ang ginamit ng mga kidnaper ay ang Toyota Corolla (XAP 860) na pag-aari ng pamilya Afable.
Napag-alamang pinasok ng mga kidnaper ang bahay ng mag-ina sa nabanggit na barangay bago iginapos ang drayber na si Angelo Garcis at ang katiwala na si Jesus Alejo.
Kinulimbat muna ng mga kawatan ang P75,000 cash at dalawang celfone na nasa kuwarto ng pamilya Afable bago tuluyang tumakas tangay ang mag-ina na sakay ng nasabing kotse.
Ayon naman kay Supt. Limpi Cayda, police chief ng Iba PNP, ang mga biktima na pinaniniwalaang pinahirapan muna ay may tama ng mga bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan na nasa loob ng pag-aaring kotse.
Kasalukuyang nangangalap na ng impormasyon ang pulisya sa pagkikilanlan ng mga kidnaper na posibleng hindi pa nakakalayo sa nabanggit na lalawigan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am