Ex-vice mayor nilikida

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City - Maagang kinarit ni kamatayan ang isang ex-vice mayor na naging trader makaraang pagbabarilin ng dalawang maskaradong kalalakihan sa tindahan ng biktima sa Barangay Poblacion, Cataingan, Masbate kahapon ng umaga. Napuruhan sa dibdib at hindi na umabot ng buhay sa Cataingan Emergency Hospital ang biktimang si Reynaldo Lim, 48, dating vice — mayor ng Cataingan.

Base sa ulat ng pulisya, si Lim ay nakaupo sa loob ng pag-aaring tindahan nang pasukin ng mga armadong lalaki at isagawa ang pamamaslang. Agad na tumakas ang mga killer sakay ng motorsiklo. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika ang krimen dahil sa napabalitang kakandidato muli ang nilikidang biktima. (Ed Casulla)

Show comments