Ex-leader ng mga aktibista tinumba
November 22, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Niratrat hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na dating estudyanteng lider ng mga aktibista ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang karahasang naganap sa Sugirao City, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi. Ang biktimang naging secretary general ng Students Christian Movement of the Phils. Sa Butuan City noong 1998 hanggang 2003 ay nakilalang si Roderik Aspili.
Base sa tagapagsiyasat ng pulisya, naitala ang krimen dakong alas -6:35 ng gabi habang ang biktima kasama ang kanyang misis ay nanonood ng telebisyon sa sala ng kanilang tahanan sa Kilometer 11, Barangay Trinidad ng nabanggit na lungsod.
Napag-alamang walang kaabug-abog na pumasok ang mga armadong kalalakihan at sunud-sunod na pinaputukan ang nakaupong biktima. Hindi naman sinaktan ang misis ng biktima na nasa state of shock sa sinapit ng kanyang mister.
Sa record ng militanteng grupo, si Aspili ay ika-14 na biktima ng extra-judicial killing sa Caraga Region at ika-764 pinaslang na aktibista simula ng maluklok sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong 2001. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended