2 Tsino tiklo sa mini-shabu lab
November 21, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang Tsino na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa mga lalawigan ng Region 3 ang nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng ibat ibang uri ng kemikal na inihahalo sa shabu sa isinagawang operasyon sa Barangay Care, Tarlac City, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bitty Viliran ng Tarlac Regional Trial Court-Branch 65, sinalakay ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency sa Region 3, mga pulis-Tarlac at pangkat ng intelligence group ang mini-shabu lab sa bahagi ng Villa Alicia sa nabanggit na barangay
Hindi na nakapalag pa ang mga suspek na sina Jaime Chua ng Barangay Tibag, Tarlac City at Chou Fan Yu na kapwa tubong Beijing, China.
Nasamsam sa shabu laboratory ang 82 bote ng sodium hydroxide, 21 bote ng sodium acetate, apat na burner, speed reducer machine, stainless broiler, 18 kahon ng filter paper, 25 kilo ng sodium hydroxide at iba pang gamit sa paggawa ng shabu. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest