^

Probinsiya

2 Tsino tiklo sa mini-shabu lab

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang Tsino na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga sa mga lalawigan ng Region 3 ang nasakote ng pulisya makaraang makumpiskahan ng ibat’ ibang uri ng kemikal na inihahalo sa shabu sa isinagawang operasyon sa Barangay Care, Tarlac City, Tarlac, ayon sa ulat kahapon.

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Bitty Viliran ng Tarlac Regional Trial Court-Branch 65, sinalakay ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency sa Region 3, mga pulis-Tarlac at pangkat ng intelligence group ang mini-shabu lab sa bahagi ng Villa Alicia sa nabanggit na barangay

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek na sina Jaime Chua ng Barangay Tibag, Tarlac City at Chou Fan Yu na kapwa tubong Beijing, China.

Nasamsam sa shabu laboratory ang 82 bote ng sodium hydroxide, 21 bote ng sodium acetate, apat na burner, speed reducer machine, stainless broiler, 18 kahon ng filter paper, 25 kilo ng sodium hydroxide at iba pang gamit sa paggawa ng shabu. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY CARE

BARANGAY TIBAG

CHOU FAN YU

DALAWANG TSINO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JAIME CHUA

JOY CANTOS

JUDGE BITTY VILIRAN

TARLAC

TARLAC CITY

TARLAC REGIONAL TRIAL COURT-BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with